para kay simon
natutunan ko
ng tanggapin ang
pangungulila ko sayo…marahan..unti-unti..
marahil ganun talaga
ang buhay
magmamahal ka ng nilalang
na pupukaw sayong puso at
uhaw na kalamnan
nangungulila ako sayo
at hindi salita ang papawi
ni hindi tayo magkaintindihan
sa gitna ng napakalawak
na dagat
mistulang himpapawid
na walang matanaw
ngunit alam ko mauunawaan mo
ang lalim ng pangungulila ko
pag nadampi ang aking
kamay sa hibla ng yong
buhok
sa pisngi ng hindi paglimot…
ang yong pisngi
na tila gatas
na nais kung inumin
batid ko mauunawaan mo
ang salitang pangungulila
kapag dumampi ang labi ko
sa labi mo
parang ulan papawi ng aking
uhaw.
uhaw na uhaw ang puso ko
sa yong paglingap
maari ba kitang hagkan sa
panaginip, nang kahit man lang
sa pagtulog mayakap ka
at maamoy ang yong matamis
Na hininga..
nahan ka? ang matipuno
mong bisig na ngayon ay
alaala na lamang, hindi ko
maibaon sa limot.
ang yong halik na buhay ko
at pag-ibig
pag-ibig nahan ka?
bakit napakalayo ngunit
dama ko ang iyong init
ramdam ang higpit ng iyong yakap
ang hininga sa aking batok
na tila guni-guni, ngunit
damang dama ng ulila kong
katawan… ang katawan na
hindi ko maturuang lumimot…
hanggang sa muling
pagnanaig..ng ating mga labi..
mga puso..
March 5th, 2008 at 7:21 am
hello judy girl,
what’s wrong? broken hearted ba? hope all is well at your corner.i’m sure the right one will come soon, when you least expect it.
hugs,
tonnette