Karapatang Pantao- No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws
Friday, June 27th, 2008lumuha ako para sayo.
ramdaman ko ang pangungulila
ng yong mga mahal sa buhay.
ang agam agam sa yong pagkawala.
kinuha ka daw ng mga malalaking lalaki na naka-sibilyan
at sapilitang ipinasok sa isang owner jeep.
at mula noon ay di na nakita pang muli.
hindi ka umuwi ng gabing yon.
naghintay ang iyong ina.
tumawag sya kay Anton, ang iyong kasintahan
na ngayon ay nag-aalala na rin.
hindi ka daw sumasagot ng una sa text
at makalaon, ang yong cellphone ay patay na din.
lumuha ako para sayo.
natatakot isipin kung ikaw ba ay kanilang sinaktan.
piniring ba nila ang yong mga mata habang tinatakot ang iyong isip
sa kung anong naghihintay na kapalaran?
pinagsasaan ba nila ang iyong pagkababae? upang kitilin ang iyong tapang?
lumuluha ako sa takot at galit.
hindi ko lubos maisip kung paano mo matatagalan
ang kanilang mahahalay na kamay at malilikot na isip, abala sa pagtakot sa yong ulirat.
18 buwan na ang nakaraan.
hindi pa rin alam kung nasaan ka.
para kang bula na naglaho.
kung di dahil sa mga naiwan mong mahal sa buhay-ina, ama, kasintahan, kapatid at kaibigan
na pilit binabalik ang iyong alala,
pilit itinatanim ang yong pagkatao.
hindi ko lubos maisip na may nawawalang tulad mo.
hindi alam ang dahilan. hindi alam kung sino ang may gawa.
pilit tinitikom ang tinig ng yong katotohanan.
18 buwan.
ang pagtataka ng yong mga naiwan. ang paghahanap sayo. ang pagluha ng yong ina
sa bawat gabing umaasa na makikita ka pa.
18 buwan.
ang paglaban sa sistema. ang pangamba para sayong buhay.
buhay ka pa nga kaya? tanong namin.
gusto ka na lang nilang makita.
kung paglalamayan, sige tanggap na nila. isauli ka lang, kahit bangkay tatangapin nila.
malaman lang kung nasaan ka…
18 buwan.
umaasa. minsan nawawalan ng pag-asa.
para sa mga mukha na binubura at tining na pilit pinapatahimik.
para sa mga kamay na pilit ginagapos.
para sa mga matang pilit tinatakpan.
mga paa na pinutol at kinalat sa kung saan.
para sa mga katawang nakalutang sa ilog na nilimot ng panahon.
patuloy ang pag-asa at paglaban.